May 05, 2013, Sixth Sunday of Easter - Kahit hatinggabi na ako nakauwi kagabi dahil nanood pa
ako ng Caucus ni Mayora Nila sa Mabuhay City Clubhouse, maaga pa din ako gumising
dahil sa aking tungkulin sa simbahan ngayong araw ng Linggo. Nagbibihis pa lang
ako, nag-text na si Ate Julie kung nasaan na ako, sabi ko “Papunta na po..”
Bitbit si Laptop, nagtungo na ako ng simbahan, akala ko
naka-set up na ang Voter’s Assistance Desk, hindi pa pala. Maya-maya ay
dumating na si Brother Seminarista at nag-set up na kami. Dumagsa na din ang
mga tao sa aming mesa para itanong ang kanilang mga precinct numbers para sa
darating na Automated Election. Mas mabilis kung laptop ang gagamitin, dahil
Cltr + F na lang ang gagawin, lumalabas na ang pangalan ng botante kasama ang
other details. Sa tuwing matatapos ang misa saka lang dumadami ang tao sa Voter’s
Assistance Desk.
Siguro before 10AM, dumating si “JD”, pumuwesto sya sa
likod ko. Nakita nya ang laptop na gamit ko, nang makita nya na Windows8 ang
gamit ko, sabi nya “Wow, ikaw na Windows8.” Smile. Sabi ko, “Syempre..” smile
with kilig. Toink. Maya-maya, si “NJ” naman ang dumating, pero wala lang.
Dumaan lang sya sa harapan ko, ewan ko ba, nitong mga nakaraang araw at lingo hindi
ko na sya pinapansin? Siguro para makalimutan ko na sya L
Before matapos an gaming shift sa umagang ito, nakita ni
Brother na mas mabilis pala mag-search if sa COMELEC website magse-search, so
ni-search nya ang name nya at mabilis naman lumabas ang Precinct Number nya at
Voting area, taga-Nanhaya, Victoria, Laguna pala sya J
Umuwi na kami, nakita ko ang mga sacristan na papuntang
Mabuhay, so sumunod ako kunwari at pupunta ng Puregold. Nang makita ko si NJ na
nakasakay ng tricycle at umandar na, wala lang. Feeling ko lang napansin nya
ako.
After lunch, namahinga ako at nakatulog ng ilang oras.
Buti kahit dalawang oras nakapagpahinga ako, kasi mas magiging busy ako sa
hapon. Naligo ulit ako, this afternoon pagbalik ko ng simbahan naka-uniform na
ako, kasi may serve ako ng 5:30PM Mass. 4PM, nagset up na ulit ang Voter’s
Assistance Desk, medyo madaming tao sa hapon dahil mas madami ang nagsisimba.
Ngayon ang Paalay ng LCM, kaya after ng 4PM mass nag-alay na kami, busy talaga
kami ngayon, halos hindi na naming mabuksan ni Ate Tricia ang candles, kaming
dalawa ang nagbuhat. After nun, nakita ko si NJ nakasilip sa bintana, wala lang
J.
After ng paalay, nag-serve na ako as Commentator. Maayos
naman ang misa, maliwanag, medyo nagmamadali ako ng kaunti, nag-serve din si
NJ, pero wala lang J.
After ng mass, naupo ako saglit sa Voter’s Assistance
Desk, at umakyat na din kaagad sa 3rd Floor Convent para sa aming
LCM Monthly meeting. Inasikaso ko ulit ang schedule, year of service nila, size
ng T-shirt and other matters. Sabi ko nga, “Sumasakit na ang ulo ko.” Nasasabi ko
lang ito kapag ako’y pagod na pagod na. Kumain kami ng pancit at cassava. After
ng meeting namin, akala ko makakauwi na ako, may PPCRV meeting pa pala.
During the PPCRV meeting, t-in-ext ko si Mama kung may
balita about sa sunog sa Purok 1, kasi may nakikita akong nagliliyab sa langit,
pero wala lang pala ‘yun. In-announce na ang aming assignments sa darating na
halalan. Poll watcher ako sa Cluster numbers 85 and 86 sa Mamatid Elementary
School. Hinati kami sa tatlo, sa Mamatid, yung iba ay sa Baclaran at Gulod
Elementary Schools. Parang mas gusto ko sana sa Headquarters kasama ang mga
seminarista. Toink
Maraming umalma sa mga assignments nila, lalo na ‘yung
napa-assign sa Baclaran (Ate Nora) at sa Gulod (Ate Nida) pati si Brother Lino
na in-assigned as PPCRV Coordinator ng Gulod ay umalma at gustong makipagpalit.
Nag-raise ako ng hand at tinanong ko kung ano ba ang task at mga Gawain ng
isang coordinator. Ang coordinator ang hahawak ng mga PPCRV Volunteers sa isang
Voting area, sya ang makikipag-coordinate sa Headquarters sa mga nangyayari
during election, mag-momonitor din bawat precincts, mamamahala sa pagkain, etc.
etc. Sa tingin ko naman ay kaya ko mag-Coordinator since ayaw talaga ni Bro.
Lino tanggapin ang pagiging coordinator sa Gulod Elementary School. So sa
pangungumbinsi nila, since taga-Gulod naman ako, at sanay ako sa lugar,
madaming kakilala, sige, ako na ang naging PPCRV Coordinator ng Gulod
Elementary School. “Ano ba ‘tong pinasok ko?” Tanong ko sa sarili ko, pero eto
na eh, kakayanin ko, sa tulong ni God, for the sake of volunteerism, for the
sake of the nation thru free and clean election.
This was the busiest Sunday so far, for this year. But I
thank the LORD, kasi kahit anumang pagod ‘yan, masarap pa din sa pakiramdam
dahil wala naman ako’ng pinaglilingkuran kundi sya J
No comments:
Post a Comment