Maundy Thursday –
Nagulat ang lahat ng biglang bumulaga ako sa pinto ng van, “Ayan si
Jonathan!” wika nila.
Muntik na akong maiwan, paalis na pala
sila. We're on our way to San Pablo City! Yearly, um-a-attend kami ng
Holy Chrism Mass sa San Pablo Cathedral with my co-LCM members, this
year sixteen (16) lang kami na um-attend, Ate Tes, Ate Telay, Ate
Cynthia, Ate Princes, Ate Nhormz, AteTricia, Ate Kat, Ate Irene, Kuya
Mario, Ate Ana with her daughter, Ate Nerie with her sister, Ate
Josie and the driver. Pasado 4AM na kami umalis ng Mamatid, sa Santo
Tomas-Alaminos kami dumaan. Nag-drivethru pa nga kami sa Jollibee
Turbina, nagutom kasi sila, breakfast daw.
Siguro quarter to six na kami
nakarating ng Cathedral, as usual wala na kami maupuan kaya nakatayo
na lang kami, nag-start na ang Holy Chrism Mass, nakita ko na ulit
ang mga dating pari na nakilala ko at naglingkod sa Simbahan ng
Mamatid, sina Father Tootsie, Father Rene, Father Cletus, Jason,
Richard, Celso, ang mga kasalukuyan naming pari na sina Father Roy at
Father Nani, at syempre ang namimiss na namin na former Parish
Priest/Rector na si Father Seldon! - na hindi namin nalapitan at
nakumusta dahil na-stock up kami sa halamanan. Toink.
Nakakalungkot lang, kasi one of the
reasons kung bakit ako nag-attend ng Chrism Mass sa San Pablo ay kasi
bibili ako ng Guide/Prayer Book for the Holy Week, kaso wala ako
nakita sa Holy Face (Bookstore). Nakita din pala namin si Brother
Jayson (na-assigned din sa Mamatid).
Our first stop for our Visita Iglesia
was in St. John the Baptist Church, Liliw, Laguna. Walang kasing
ganda at kasing luma pa din ng simbahan ng Liliw. Binisita na din
namin si Sister Rory, taga-Mamatid, ang secretary ni Father Tootsie
na naka-assign ngayon sa simbahang ito.
Syempre, kulang ang pagdayo sa Liliw
kung hindi titingin at bibili ng mga Tsinelas, ang number one product
na ipinagmamalaki ng Liliw, the “Tsinelas/Footwear Capital of the
Philippines”.
St. Bartholomew the Apostle Parish,
Nagcarlan, Laguna, second church. Nagcarlan, ang sinilangan ni Father
Seldon. Namili na din kami ng mga pasalubong doon, Shing-aling ang
sikat na produkto ng Nagcarlan, pati na ang espasol. Next is the
Immaculate Conception Parish, Concepcion, San Pablo City is for our
Ninth and Tenth Station. Next ay sa San Pablo Seminary, kung saan
nag-aaral ang mga mag-paparing mga taga-Laguna.
Eleventh and Twelfth Station ay sa Holy
Trinity Parish, Pansol, Calamba City, ang parokyang pinagmulan ng
aming bagong Kura Paroko ngayon. Namili na din kami doon ng Buko Pie
at Fresh Carabao Milk.
At syempre ang mga panghuling Station
ay sa Diocesan Shrine and Parish of San Vicente Ferrer, Mamatid,
Cabuyao City, ang pinakamamahal naming Simbahan.
At eight o'clock in the evening,
bumalik kami ng simbahan for our vigil and practice na din for
tomorrow.
No comments:
Post a Comment