Good Friday – Sa
Gulod kami nag-lunch, nakaugalian na naming buong pamilya (Manangkil,
mother side) ang magtanghalian ng sabay-sabay ang buong pamilya.
Kumpleto naman ang magkakapatid, may ilang mga pinsan ko nga lang ang
wala. Balatong at Pritong Galunggong ang ulam, bagamat bawal ang
karne ngayon, with Fresh Watermelon, Singkamas with Alamang at
Halo-Halo ang aming pinag-salu-saluhan, nakakalaki ng tiyan. Ang sabi
nga ni Nanay, kahit anuman ang nakahaing pagkain, kaunti man o
sobrang dami, basta't kumpleto ang lahat ay tunay na masaya.
Umuwi na din ako kaagad at nag-prepare
para sa misa ng 3 PM, pagdating ko sa simbahan, kumpleto na kami,
nag-pray over para maging successful ang gagawin naming Speech Choir
tungkol sa Passion and Death of Our Lord. Hindi mawala ang kaba sa
amin, pero alam namin na kaya namin ito magampanan lahat. Sa una ay
parang napapailing at ngisi si Sister Susan, ang aming mentor, pero
sa bandang huli ay bumabawi naman kami, gumaganda ang aming
pagsasalaysay. Medyo pumalpak nga lang kami sa “Mabuhay ang Hari ng
mga Judio!” pero maayos naman, pagdating sa “Ipako sa Krus!”
nakakapanindig balahibo sa totoo lang. Natapos din, hindi ako
masyadong bumilib sa aming sabayang pagbigkas, pero madami naman ang
nag-komento na maayos naman, may ilan din daw ang naiyak.
Pagpapahalik na sa krus, ilang taon ko
na ba ulit ito ginagawa? Ang magbiro na instead na sa krus humalik ay
kung pwede sa sakristan na may hawak ng krus humalik? Toink. Malaking
krus ang pinahahalik ngayon, at syempre hindi mawawala si (“JD”)
sa mga may hawak ng krus. Naalala ko tuloy before nung bago ko palang
sya naging crush, 2009 pa 'yun, Biyerne Santo din, kaya every
Biyernes Santo at nagpapahalik ng krus ay naaalala ko ang pagka-crush
ko sakanya, bata pa sya noon, at ngayon after 4 years ganoon pa din
sya, walang pinagbago, crush ko pa din sya. Toink. At eto pa, may
nadagdag? Actually, noon ko pa sya nakikita everytime na nagseserve
ako, si “NJ” crush ko na din sya, and gagawin ko ulit Biyernes
Santo ang date ng pagka-crush ko sakanya. Oh di ba. Toink, haay,
bakit ba ako ganito?? Nalulungkot tuloy ako habang palihim ko sya, I
mean, silang pinagmamasdan, kasi mamimiss ko ito, next year na ulit
ito mangyayari.
After ng pagpapahalik sa krus, ay
sinundan na ng prusisyon, sama-sama ulit kami, sa gitna ng karo ng
Maria Magdalena at Birheng Dolorosa kami nakatanod, ambilis ng naging
Prusisyon, ewan ko ba, ang bibilis maglakad ng mga tao. Maging sa
pabalik, natatawa nalang ako dahil nananakbo kaming mga nasa dulo ng
prusisyon, kasi naiiwan na kami, tawa ako ng tawa, kapag nakikita
kong nananakbo ang mga tao sa harap ng karo ni Birhen Dolorosa ay
pinapatakbo ko din ang mga tao sa uanahan at nagtatakbuhan kami
lahat, naging jogging na tuloy ang prusisyon. Ito ang prusisyon na
hindi ko naramdaman ang sakit ng paa ko at pagkainip, kasi maagang
natapos.
Nakaka-miss tuloy, mami-miss ko ang mga
gawaing ganito.
No comments:
Post a Comment