Black Saturday – Wala
akong magawa sa bahay, nanood lang ako ng TV, after lunch natulog
ako, paggising ko ay dumeretso na ako kina Lola Mameng para ayusan
ang karo ng “Risen Christ”, taun-taon ay LCM ang naka-assign para
mag-ayos nito, sa Bahay at garahe nina Lola Mameng ang venue, kaya
may pa-meryenda din sya taun-taon. Smile
Ang bilis ng oras, 9PM nag-ready na ako
papuntang simbahan. Nandun na din lahat sila, nag-picture-an pa kami
para masaya at remembrance na din.
Pinatay na ang lahat ng ilaw at
nagsilabas na ang lahat para simulan ng ang pagdiriwang. Nakita ko na
si “JD” sa quarter nila, nagmamadaling nagbibihis dahil na-late
ata sya, pagdaan nya sa harap ko sabi ko “Andami mong pictures
sa'kin” sabay smile, ang sabi nya naman “Tag-Tag din.” ngumiti
na lang ako, 'yun ang pag-uusap ulit namin after so many years?
Toink.
Si “NJ” nakita ko na din,
nalulungkot ako, kasi hindi ko sya maka-usap, ano naman ang sasabihin
ko saknya? Hindi ko kasi alam kung papaano ko sya ma-a-approach, baka
hindi nya ako pansinin.
Nagpasukan na kami lahat sa loob,
nag-start na ang inaabangan naming lahat, ang “Battle of the
Voices” according to Kuya Alson (former President). Kasi lahat ng
pitong Readers ay aawitin ang “Ang Salita ng Diyos” at aawit din
syempre ang pitong Salmista, kaya nagingh battle of the voices, at
syempre may ma-a-out, 'yun ay kung sinong lector/psalmist ang
papalpak. Toink. Patay lahat ng ilaw, si Ate Telay ang first Reader,
habang may sakristan na nakatabi sakanya at may hawak na flashlight.
Pagkatapos nya, “Mali ang binasa ko.” 'yun kaagad ang bungad nya.
Si Ate Onor ang first Psalmist, after ng First Stanza, bumaba na sya,
bakit hindi nya tinapos? Hanggang ngayon ay hindi ko pa din alam ang
dahilan. Ako ang pangatlong bumasa, mas okay sana kung si “JD” o
“NJ” ang maghahawak ng flashlight na magbibigay liwanag sa
Lectionary na babasahin ko, para mas maging maganda at maayos sana
ang pagbasa ko at ang pag-awit ko ng “Ang Salita ng Diyos” pero
anyway, okay naman ang lahat.
Na-feel ko ang kagandahan ng misa ng
Easter Vigil, lalo na nung magbukas lahat ng ilaw at lumitaw na ang
Hesukristong muling nabuhay. Happy Easter! Ang panalangin ko nalang
ay ang lagi kong Panalangin sa Panginoon, alam na nya 'yun, at
syempre para karagdagan sa panalangin ko, gusto ko ng marami pang
Inspirasyon, na tutulong sa aking magsumikap sa buhay, pinapanalangin
ko ito habang nakatingtin sa kanilang dalawa. Toink
After ng mass, Salubong na, sa may amin
kaming mga boys kasi nandoon ang karo ng Risen Christ, at tignan mo
nga naman, naandoon din ang mga inspirasyon ko, may nagtulak pa nga
sa akin kay “NJ” eh, hindi ko alam kung sinasadya o ano?
Pagdating sa simbahan, napakagandang
tagpo ang magsalubong ang mag-ina, ang Mahal na birheng Maria at ang
Hesus na muling nabuhay.
Nagpakain na naman kami ng lugaw,
inanyayahan namin ang lahat ng tao na kumain ng lugaw. LCM ang
taun-taong naka-assign magpakain ng lugaw. Dumagsa lahat ng tao kaya
join force kami lahat para mag-distrubute ng lugaw, ako ang
taga-bigay ng Cup at Spoon. Humupa bigla ang tao, ng biglang nakita
ko sa harap ko si “NJ” nakapila at kukuha ng lugaw, tumingin ako
sakanya at tumingin din naman sya, siguro three seconds kami
nagkatinginan sa mata at nagkangitian, iyon ang pinaka-nakakakilig na
tatlong segundo sa buhay ko, promise! Grabe, nginitian nya ako, teka,
alam nya na kaya na crush ko sya? Hmm.
Tinulungan ko magtago ng easter eggs
sina Kuya Joel at Kuya Ronald, habang nagtatago kami ng mga itlog sa
suluk-sulok, nakita ko ulit sya (“NJ”) pakalat-kalat, pagdaan nya
sa harap ko, sabi ko “Gusto mo ng itlog?” ngumiti lang sya.
Pagdaan ko naman kay “JD” aalukin ko sana sya ng itlog kaso
nahiya ako. Sa may hagdan nakita ko ulit sila na nakaupo, habang may
tinago akong itlog sa may tabi ng hagdan, nakita nila ako, tapos sabi
ko kay “NJ” “oh sa'yo na lang” tapos umalis na ako. Pagbalik
ko sa pwesto nila, nakita namin ni Ate Tes na pinag-aagawan nila ang
mga itlog na tinago namin, sinaway sila ni Ate Tes, samantalang ako
naman ay nasa likod at sinesenyasan ko sila, nag-ngitian nalang kami
ni “NJ” at nag-ngitian nalang din kami ni Ate Tes. Tanong sa'kin
ni “NJ”, “Kuya, anong oras ang egg-hunting?” Sabi ko “6AM
at 4 PM”, at pinag-agawan na naman nila lahat ng mga itlog na
nakita nila, sinaway naman sila ni “NJ”, sabi ko sakanya, “Si
'NJ' ang kulit....”, ngumiti lang sya at umalis na ako.
Haaaay, hindi naman pala sya akala ng
iniisip ko na hindi nya ako papansinin, mukhang mabait naman syang
bata. Sana magpatuloy ang ganoong encounter namin at maging close
kami :))
Pagsakay namin ni Mama ng trike, nakita
ko si “JD” pauwi na din, sabi ko “Ingat-Ingat din”, sabi
naman nya “Uwi-Uwi din”. Natawa nalang ako.
Ansaya ng mga huling araw na nagdaan,
nakaka-miss.. Ma-mi-miss ko talaga 'to :))