Monday, December 31, 2012

LAST DAY OF 2012


10:49PM, one hour and eleven minutes before January 1st of 2013. I remember last year, parang ganito din ata ang introduction 'ko? Anyway, this will be my last post this year. Naka-ugalian ko naman talaga every yearend maggawa ng post dito sa online diary ko. Toink. Well, ang kaibahan lang siguro last year, sa Cellphone lang ako nag-ta-type, pero ngayon sa laptop na (nag-level up. TNT). Last year, medyo tahimik lang ang paligid, pero ngayon ang ingay-ingay, nagpapa-tugtog kasi ako ng mga songs from my USB, using our newly owned/purchased Home Theater showcase (Taray), actually kahapon lang namin 'to binili, biglaan nga eh, Flatscreen LED TV with DVD with Amplifier and speakers, marahil hindi naman talaga namin kailangan ng ganyang ka-bonggang TV pero sino ba'ng aayaw ng magandang TV, 'di ba? Atsaka para naman may maipundar ako this Christmas, kung nagka-pera man ako nitong nagdaang pasko, ayoko namang unti-unti lang 'yon maubos sa wala, maigi na 'yung may mai-pundar ako para sa aming tahanan, 'di ba?

Sabi ni Father Jason kanina sa misa, kaya tayo tumatalon tuwing New Year ay hindi dahil upang tumangkad tayo, tumatalon tayo upang sa pag-pasok ng bagong taon, umangat naman tayo, tumatalon tayo hindi upang tumaas ang height natin bagkus tumaas naman ang antas ng buhay natin. Sino ba'ng ayaw sumagana at umunlad ang buhay? 'Di ba wala? Taun-taon, 'yun lang ang lagi kong dasal, ang umunlad at sumagana ang aming buhay, kung hindi man kami yumaman ng biglaan (like winning on a lottery, becoming a millionaire instantly) pero kung unti-unti naman magiging maayos ang buhay namin at araw-araw kami'ng magkakasama, wala na'ng mas liligaya pa sa aming pamilya.

Last year, 20 years old lang ako (Lol), Local Store Marketing sa McDo, Single (not married), sabihin na natin na masaya din naman ako kahit papaano last year, pero mas masaya ako ngayon. Sinalubong ko ang 2012 last year na malungkot, pero kailangan magsaya, puno pa rin ng pag-asa, I remember last year, sabi ko sa sarili ko maraming mangyayari sa akin sa taong 2012, pero ngayon na-rerealize ko na lahat ang mga nangyari ngayong taong 2012 na nagdaan. Anu-ano nga ba?

January 2012, usual lang, nag-iisip ng mga maaaring mangyari sa mga susunod na buwan, February 2012, nag-celebrate ng Valentine's Day na single, dahil walang jowa, pero still nag-celebrate pa din ako with my friends and my loved ONE, naka-duty ako nun sa McDo tapos.. (oh 'wag na'ng balikan pa! TNT), March 2012, wala ako'ng maalala, ay wait! Kunin ko pala 'yung planner ko para maalala ko ang mga nangyari nung March, ayun! Busy ako sa McDo, training newly-hired service crews, party-hosting, nag-aapply pala ako ng bagong work (oh 'di ba, nasa resigning stage na pala ako that time), at higit sa lahat may jowa pala ako (February 23 to March 20, 26 days lang naging kami ni _ _ _, medyo nasaktan ako kasi naloko na naman ako, but I'm not sure kung totoo nga, pero proud ako, kasi sa 26 days na naging kami, siguri 4 or 5 days lang kami hindi nagkita :)) April 2012, 5 years na ako as a Lector, and I'm so proud of it, masaya ang naging Fiesta samin kahit sa pagtapos ng araw ay may patayang naganap (so fatal) busy din ako sa McDo nyan, with my Kiddie Crews, lalo na sa Batch 3 kids, sa kanila ko na-feel ang pagiging teacher ko. May 2012, sa buwan na iyan madaming nagbago sa buhay ko, for about two years and seven months ko sa McDo, I finally filed my resignation letter, may part na masakit sa akin ang umalis na sa McDo, but that's life, lahat naman kami (my friends, crewmates) ay mawawala sa McDo, una-una lang 'yan, we have to grow. May 16 ng mapirmahan ng pangulo ang Cityhood ng Cabuyao, 'yun din ang first day ko sa bago kong pamilya, sa aking bagong trabaho. June 2012, medyo nag-aadjust pa sa bago kong workplace, workmates, pero exciting din. Last three days of June ng first time kong makarating ng Davao for a product presentation (oh 'di ba bongga). July 2012, business meeting, site visiting, meeting clients, attending different events, first time ko ding makarating ng Zambales. August 2012, ang malaking pagbabago sa aking bayan, August 04 ang plebiscite ng Cabuyao, at syempre it was ratified and became officially a City on that day. September 2012, second time ko maging coordinator sa awarding ng mga bahay sa sundalo, busy sa work, at syempre nabuhay lalo ang social life ko, I experienced so many things, promise! October 2012, we welcomed the secong Filipino saint, Saint Pedro Calungsod. November 2012, enjoying my social life with one of my closest friends, Lovelyn, I met so many friends in Clan, attending GEBs, etc. Attending planning sessions (in Subic for three days), madami akong nakilalang tao ng buwang ito, mga naging malapit kaagad sila sa puso ko, kaya I know hindi ko kaagad sila makakalimutan. December 2012, I celebrated my birthday more bonggacious than last year, I can say. Ahm, sa mga huling araw ng taon madaming mga bagay ang hindi ko talaga makakalimutan, promise! Mga bagong pangyayari, kaibigan, crush, etc. May mga na-feel ako these past few days, marami akong biyaya na natanggap, hindi lang regalo, reward, blessings, that is why I will always be thankful to God. I will not mention anything here, alam ko na lahat 'yon. I feel more blessed this year than last year. Thanks be to God forever,

My predictions for the coming year of the Water Snake, magiging masagana daw ang taon kong ito, basta't maging humble lang daw ako, I will do it. Pagdating sa Lovelife, ahm, magiging masaya din daw ako this year, (sa wakas! LOL) basta 'wag daw akong maging arogante, I will do.

So, thank you and good bye 2012, and welcome 2013! Though the coming year is with number “13”, but we should be positive for the whole year and everything will be in good place.

Let us all welcome 2013 with LOVE in our HEARTS, PEACE in our MINDS and GOD in our LIVES..

othanhinagpis2012 is now signing off...

Logging in..

othanhinagpis2013

Jonathan Manangkil Hinagpis
22 years and 27 day-old
5 years and 9 months in service as a Lector in our Parish
7 months and 16 days employed at Ecostrong Builders Corporation
Single but happy and contented
and most of all, 85% virgin, pure, clean and clear. LOL

Sunday, December 9, 2012

MY BIRTHDAY CELEBRATION


Happy Birthday Papa, kagabi pa lang binati ko na si Papa sa Facebook :) Sunday today so I have to attend the Holy Mass, 8 AM talaga ang schedule ko today kasi mag-hahanda kami later. Double celebration ang mangyayari mamaya.

Inagahan ko ang punta sa simbahan, gusto ko kasi magbasa ng Tawag sa Kasal, pagdating ko sa church wala pa si Ate Tes (Commentator), nag-pamisa ako para sa aming dalawa ni Papa (Thanksgiving), binigay sa'kin ng Parish Secretary ang list of Wedding Banns kaya ayun, pagdating ni Ate Tes, inabot ko sakanya 'yung folder at sabi nya, “Ikaw na magbasa ng Tawag sa Kasal. Please?” Kaya ayun ako na din ang nagbasa.

Ibang pari ang nagmisa, si Rev. Father David Reyes, Bishop's Secretary, kaya parang kinabahan kami'ng lahat, syempre kailangan galingan namin ang pagbabasa. Ako ang first reader, maayos naman pero kinabahan talaga ako, una nagsimba si Papa, pinapakinggan nya ang pagbabasa ko, pangalawa ibang pari ang nagmisa. Inawit ko ang “Ang Salita ng Diyos”, at feeling ko palpak ako. Toink. Nilakasan ni Ate Esther (Psalmist) 'yung pag-awit nya ng Salmo, kahit hindi masyado makasabay ang Choir, nakanta nya ng maaayos, si Ate Tes ang tumutugon. Si Ninang Chris ang second reader at si Bro. Joel ang Prayer Leader.

After ng misa, masaya naman ang lahat.

Kaso, pagdating namin sa tapat, may patay daw, si Lola Epa, “Epang” sabi ni Nene, ay Lola Epang pala. Nanay ni Lola Annie, siguro namatay na sa katandaan. Dumating na ang Zhen-Sherwin Funeral Services para kuhanin ang katawan, tumawid ako para tignan. Nakatalukbong na ng kumot si Lola Epang, medyo nalulungkot ako, naaawa ako kay Lola Annie, sya kasi ang nakasama ni Lola Epang hanggang sa huling hininga na nya. 92 years old na pala siya, mahaba ang buhay na ipinagkaloob ng Diyos sa kanya, alam ko madami na din syang karanasan sa buhay, alam ko madami syang maikukuwento kahit kanino, sa mga apo nya, kahit sa akin, sayang nga lang at hindi nagkaroon ng pagkakataon na mapakinggan ko kahit isang kuwento ni Lola Epang.

Madami ng tao sa amin, as usual, may laban na naman si Pacquiao with Marquez, this will be their 4th fight. Samantalang abala naman kami sa pamimili at pagluluto para sa pagpapakain namin mamaya. Luto na ang hamunado, papunta na daw sina Jelly at his Ex, Aldmin. Naluto na din ang Spaghetti with Shanghai. Maingay ang buong paligid dahil sa mga hiyawan ng mga nanonood sa laban ni Pacquiao, hanggang sa matumba si Pacquiao at nawalan ng malay, ang lahat ay nagulat at natakot, na-KO si Pacman. Talo si Pacman sa laban nya with Marquez. Pero okay lang, sa labanan may natatalo at nananalo, alam natin 'yan. Hindi din naman sa lahat ng pagkakataon nananalo si Pacquiao. As it is said, 'It doesn't matter if you win or lose, what important is you fight.'. Manny Pacquiao, though you lost your fight, still, you're the greatest fighter in world's history. Filipinos are very proud of you.

Naluto na ang Carbonara, hindi talaga ako familiar sa pagluluto nun. Dumating na si Caybee, Liezel, nabuo na naman ang tropa. Masaya kaming nagkainan at nagkwentuhan. Nag-uwian na din sila, after 30 minutes ata si Love at Joan naman ang dumating, natuwa ako kasi akala ko hindi sila makakarating, todo picture-an kami. LOLZ. Si Sharvie Vhezz ang last visitor ko sana kaso hindi daw sya makakapunta, kaya 'yung mga handa ay binalot ko na lang at dinala sa Mabuhay para ipakain sa mga tropa ko'ng bata. Nasayahan din naman sila kahit papaano kasi naubos ang dinala ko.

Nalungkot ako, kasi saglit ko lang sila nakasama. May pasok na naman bukas, mami-miss ko na naman ang Laguna. Toink.

Saturday, December 1, 2012

UMIIKOT LANG ANG PERA

Saturday, wala kaming pasok. Kaya eto, itsura ng Living room ni Love ang nabungaran ko. 9AM na pala, tulog pa kaming lahat, si Wilza tulog pa din, nakabulagta sa sahig. Toink. Inaantok pa ako, anung oras na ba ako natulog? 3AM? Walastik 'tong si Love, ansakit tuloy ng katawan ko, pinagkasya ko lang ang katawan ko sa sofa nila. Tulog na ang dalawa nung umuwi ako, at hiyang-hiya naman ako! Hindi man lang ako pinaghanda ng kumot at unan! Buti madaming tuwalya si Love, ginawa kong unan at comforter.

Teka, anu-ano ba ang nangyari kagabi? Ang alam ko lang, nag-inom sila, o kami pala. Kasama ko ang mga bata (Bata ng Phase 2, Mabuhay City), ilang gabi ko na ba nakikita at nakakasama ang mga 'yon? Simula nung  makilala ko kasi sila lagi na akong nandun sa tinatambayan nila kaya ayun, lagi ko sila nakakasama. Food trip, kwentuhan, landian (anu daw?), pati inuman, pero kagabi lang naman 'young inuman, naka-700 pala ako. Anyway, ok lang naman hindi ko naman pera 'yun, saan nga ba 'yun galing?

Nung lumapit sa akin ang mga batang 'to, nag-so-solicit for their uniform for the upcoming Liga, nag-solicit din ako dun sa friend ko sa Binan, kaya ayun, after ako mabigyan ng pera ng friend ko na taga-Binan, ibinigay ko naman sa kanila 'yung pera, umikot lang 'yung pera. Hakhak. Kaso, dahil gusto mag-inom ng mga 'to, ayun nagastos na ang pera, instead na ihulog sa tahian ng damit. Anyway. Nangyari na 'yun, tapos na. Ang mahalaga nakasama ko sila kagabi.

Umuwi na rin ako siguro 11AM, tapos nag-Liana's kami nina Mama, Papa, Eros at Lei, syempre pati ako. Nag-withdraw muna ako sa BPI, nabawasan na naman ang savings ko, we have to buy new clothes, antagal na din naming hindi nakagala'ng mag-family. Tutal nakuha ko na naman ang 13th month pay ko kaya may panggastos kami. We ate merienda at ChowKing, hindi ako nanghinayang sa pera na pinangkain naming kahit 500+ pa, sa iba nga kahit magkano magastos ko okay lang, sa family ko pa kaya? Atsaka food naman 'yun nuh. Namili na din kami ng ingredients ng Carbonara para sa Birthday Celebration naming ni Papa next Sunday.

Ahm, after dinner, gusto ko ulit gumala pero ayoko na muna makipagkita sa mga bata. So, while biking, napaisip ako kung saan ako dadaan na hindi nila ako makikita, tyak na once makit ako ng mga 'yun susunod  na naman 'yung mga 'yun sakin. Pero, "THERE ARE SO MANY OPTIONS, BUT I HAVE TO CHOOSE THE BEST ONE.." AND "THERE ARE SO MANY WAYS, BUT I HAVE TO TAKE THE SAFEST ONE.." anu daw? Andrama ko naman masyado. Pagliko ko sa kanto, oh my, andun sila. Kaya ayun, sila na naman ang nakasama ko buong gabi hanggang mag-umaga. Ok lang, masaya naman ako, kagaya ng sinasabi ni Love, pinipigilan nya ako sumama sa mga 'yun ang sumbat ko sa kanya:

"Oy Love, kapag ikaw ang may lakad, at kapag kung kani-kaninu ka sumasama hindi kita pinipigilan. Masaya ka ba? Masaya ka naman 'di ba? Ako masaya din ako, at 'yun ang mahalaga!"

Oh di ba, antaray ng buhay naming ni Love. Toink