Friday, April 6, 2012

FUN WHILE ON SERVICE (Holy Week of 2012)

Sa kalagitnaan ng Banal na Misa, nailaglag ng isang sakristan ang takip ng lagayan ng ostiya at lumikha ng malakas na ingay..

Ate Elvie: “Ay, ano ba 'yan.”

Othan: (nagpipigil ng tawa)

Sa kalagitnaan ng aming sabayang pagbigkas…

Ate Tes: “Ipako sa kruuuuss!!”

Ate Elvie: “uh-uhm.”

Sa loob ng feeding center ng simbahan, habang naghahanda ang lahat sa huling misa…

Lahat: “Oh si Ate Raida ikakasal na!”

Ate Polly: “Sino'ng ikakasal?”

Othan: “Si Ate Raida daw po.”

Ate Polly: “’Ko, nako!”

Ate Polly: “Ate Flor, alam mo ba ang pages?”

Ma’am Flor: “Page 38, na-practice ko na kahapon.”

Ate Polly: “Eh ang Ikalawang Pagbasa?”

Ma'am Flor: “Doon den, magkatabe.”

Othan: (Palihim na tumatawa)

---------

Sa prusisyon (Biyernes Santo)…

Maigsi ang tali ng magkasunod na karo nina San Juan Ebanghelista at Birheng Dolorosa, kami ay nakatanod kay San Juan, kapag nahahatak ang karo ng Birhen, nabubunggo ang mga nasa likuran.

Ate Polly: “Cora, lakdaw lakdaw! Ay, Cynthia.”

Othan: “Santa Maria, Ina ng Diyos.. (tumigil sa pagdadasal at tumawa ng malakas)”

Pabalik…
Mga taga-hatak ng karo ng birhen: “Dahan-dahan at masyadong mabiles!”

Ate Marie: (naghahatak ng nasa unahang karo ng San Juan) “Ho sya! Kayo na dito!”

Napa-bilis na naman ang hatak… Si Ma'am Flor ay nananakbo pahabol sa karo ni San Juan…

Kuya Alson: “Si Ma'am Flor oh, nagja-jogging na!”

Pagpasok sa patio ng simbahan.. Ang mga taumbayan ay pinagkukuha na ang mga bulaklak ng karo ng San Juan..

Kuya Alson: “Naku po! Pati ang ilaw baka kuhanen! Naku po! Naku po!”

Patuloy sa pagkuha ang mga taumbayan.. .

Kuya Alson: “Naku po! Pati ang dahon pinagkukuha na! Naku po oh! Pati ang ilaw kuhanin nyo na! Naku po!”

-----------

Easter Sunday (Last Mass)

Lector 1 (Ate Princes) - Kinanta ang "The Word of the Lord" nang nakapikit.

Salmista (Ate Chelle) - Nagpalit bigla ng boses habang kumakanta ng Salmo.

Lector 2 (Jonathan) - Mali ang binasa, Corinto ang binasa instead of Colosas.

Lector 3 (Ate Telay) - Tinapik bigla ni Fr. Richard, hindi alam na nasa likod na nya pala si Father.

At…

Commentator (Ninang Chris) - Nagpaluhod na, hindi pa tapos ang komunyon. Ready na si Father for the final blessing---Nag-aayos pa ng mic!


Sa isang organisasyon, mapa-maka-Diyos pa iyan at sa loob man ng simbahan, hindi mawawala ang mga pangyayari’ng nakakatawa, pero kapupulutan ng aral at nagbibigay ligaya sa bawat isa sa gitna ng paglilingkod sa Kanya.